Friday, October 27, 2017


            
            Hmmmmm. Minsan ang palagi kong tanong sa sarili ko ay bakit kaya ang daming relihiyon sa mundo natin at nanganganak pa sila. Bakit kaya nag kakahiwalay pa tayo ng relihiyon kung meron naman tayong kinikilalang Diyos o tawagin natin na mas mataas sa atin? Bakit pa ba kaya tayo kailang makipag kompitensya sa iba't ibang relihiyon at ipamuka sa kanila na tama tayo at mali sila. Ang gulo diba?

      
        Ano bang gusto ng nasa taas kung bakit tayo nag kakaganito, nagkakaiba iba ng ating papananaw. Ginugusto o pinipilit pa nating mapalitan ang papananaw ng ibang tao sa kanyang sariling pananaw. Nagkakaaway away pa tayo dahil sa sinasabi nating Diyos. Sino ba sa atin ang tama? At sino naman sa atin ang mali? 
  

        Saan ba nanggagaling ang relihiyon at bakit ba talaga sila dumadami? Dahil lang ba sa pera, kung kaya tayo'y nagkakahiwalay O may iba't ibang rason pa sa mundo ang hindi ko pa nalalaman at kinakailangan ko pang matuklasan? 

   
        Para naman sa aking pananaw ay okay lang naman sa akin kahit na madaming relihiyon sa mundo. Kahit iba't ibang pananaw basta ba ay masaya tayo sa kung ano ang alam natin at anong pinaniniwalaan natin. Nakakainis lang kasing isipin na minsan ay minamaliit na natin ang isang tao base sa kaniyang relihyon sa punto na iniisip na nating mas madami tayong alam sa nalalaman pa niyang aral tungkol sa relihiyon. Minsan ay hindi na natin narerespeto ang pagiging tao nya dahil lamang sa kanyang relihiyon. 

    
       Ikaw ba, anong pananaw mo at nalalaman mo tungkol sa mga nasabi ko? Ikuwento mo naman. :)

        
        

        
       

No comments:

Post a Comment